
Dumating sa bansa kahapon ang aircraft carrier ng bansang France na Charles de Gaulle.
Isang air defense destroyer, at auxiliary oil replenishment ship Jacques Chevallier na nakadaong sa Subic Bay.
Historical milestone ito na maituturing para sa defense cooperation ng bansang France at Pilipinas.
Ang pagdating ng French Carrier Strike Group sa bansa ay bahagi ng kasunduan sa pagitan ng France at Pilipinas.
Sa isang letter of intent, nilagdaan noong December 2023 sa pagitan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro at French Minister of the Armed Forces Sebastien Lecornu ang letter of intent na naglalayong paigtingin ang military cooperation and interaction sa pagitan ng armed forces ng dalawang bansa.
Ang interaction na ito ay para sa seguridad pandagat ng Indo-Pacific Region para protektahan ang mga nasasakupang mamayan ng France at Pilipinas.