Manila, Philippines – Pangungunahan nina Jayson Castro at Andray Blatche ang line-up ng Gilas Pilipinas sa pagsabak nito sa third window ng FIBA world cup asian qualifiers.
Pasok din sa 12-man pool ng National Team sina Calvin Abueva, Terrence Romeo, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Matthew Wright, Jio Jalalon, Allein Maliksi at Troy Rosario.
Hindi naman pinalad na makasama sina Baser Amer, Carl Bryan Cruz at gilas cadet Troy Rike.
Makakabangga ng Gilas ang koponan ng Chinese Taipei sa Taipei Heping Basketball Gymnasium, alas 7:00 ng gabi bukas.
Una nang nagharap ang dalawang team noong nakaraang taon sa Araneta Coliseum kung saan pinahiya ng mga Pinoy ang Chinese Taipei, 90-83.
Facebook Comments