PINAG-UUSAPAN | Lalaki na 8 years nang naghahanap ng mapapang-asawa, usap-usapan sa China

China – Pinag-uusapan na naman ngayon ang Chinese man na walong taon nang naghahanap ng asawa.

Taong 2013 nang unang pag-usapan ang 31-year old na si Niu Xiangfeng matapos siyang mamataan sa isang kalye sa Beijing bitbit ang plakard tungkol sa paghahanap niya mapapang-asawa.

Ngayon, kakaibang strategy na ang ginagamit ni Xiangfeng, dahil sa halip na wife-hunting sa mga kalye, gumagamit na rin siya ng dating websites.


Pero hanggang ngayon, single pa rin siya at higit-kumulang 80,000 beses nang na-reject na ng mga babaeng inaya niyang makipag-date!

Sabi ng ilang girls, masyado raw kasing aggressive si Xiangfeng, pero paliwanag ng Tsino, aminado siyang hindi siya gwapo pero hindi niya raw kailangang magsinungaling para magpa-impress.

Nagsimulang maghanap ng Mrs. Right si Xiangfeng matapos na mamatay sa sakit na cancer ang kanyang ama kung saan daw niya na-realize na kailangan niyang makapag-asawa para bumuo ng pamilya at mapasaya ulit ang kanyang ina.

Facebook Comments