FIBA 3X3 | Pilipinas talo sa The Netherlands, 22-11

Manila, Philippines – Hindi naging maganda ang simula ang kampanya ng Pilipinas sa women’s division ng FIBA 3×3 World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Natalo kasi ang koponan nina Jack Animan, Afril Bernardino, Gemma Miranda at Janine Pontejos sa The Netherlands, 22-11 sa una nilang laro sa torneo.

Nagawang makipagsabayan ang Perlas Pilipinas sa simula ng laro pero kinapos sila sa number 4-ranked team ng torneo.


Hindi nakaporma ang mga Pinay sa mas malalaki at may karanasan nang Dutch team sa 3×3 basketball.

Ito kasi ang unang pagsali ng Pilipinas sa women’s division.

Tatangkain ng Pilipinas na manatiling buhay ang kanilang kampanya laban sa Germany mamayang ala-sais kuwarenta mamayang gabi.

Facebook Comments