Jobs Fair ikinasa sa Araw ng Kalayaan sa Region 12

Nasa 4500 ang nag-aantay na trabaho para sa mga job seekers sa Region 12.

Kinabibilangan ito ng mga trabaho lokal at overseas kabilang na ang construction, customer service representative, service crew, at production o factory worker.

Kaugnay nito inanyayahan ng Department of Labor and Employement o DOLE-12 ang mga nagsipagtapos sa pag-aaral o ang mga walang trabaho na dumalo sa gagawing “Trabaho, negosyo, kabuhayan Jobs Fair” sa KCC convention center sa General Santos City, Hunyo 12, 2018.


Tinatayang nasa 82 employer o kumpanya ang naghahanap ng mga manggagawa, ayon kay Cano. Idinagdag ni Cano na makikilahok din sa Jobs fair ang Armed Forces of the Philippines, PNP, Navy at BJMP na naghahanap ng mga officer at enlisted personnel.

Facebook Comments