FIBA | Almazan at Taulava, pipigilan si Hadidi ng sa laban ng Team Pilipinas kontra Iran

Dahil sa iniindang injury ni Greg Slaughter, napunta kina Raymond Almazan at Asi Taulava ang mabigat na misyon na pigilan ang higanteng si Hamed Haddadi sa paghaharap ng Team Pilipinas at Iran bukas sa Tehran.

Ang 7’2” na Iranian giant ang itinuturing na pinakamalaking problema ng Team Pilipinas sa kanilang laban sa wala pang talong Iran sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Si Haddadi kasi ang unang scoring option ng Iran. Bukod kasi sa pagiging beterano na ito sa Iranian squad, naglaro rin sa NBA si Haddadi.


Hindi naisama sa final 12 si Slaughter dahil sa natamo nitong left ankle sprain sa laban nila kontra North Port isang linggo na ang nakakalipas.

Bukod kay Almazan at Taulava maaari rin tumulong sina Ian Sangalang, Beau Belga at Poy Erram sa pagpigil sa Iran sa pagdomina sa ilalim ng ring.

Facebook Comments