FIBA | Coach Chot Reyes, nirerespeto ang naging desisyon ng FIBA

Manila, Philippines – Nirerespeto ni coach Chot Reyes ang parusang ipinataw ng FIBA sa kaniya at sa ilang Gilas Pilipinas players matapos ang nangyaring rambulan sa pagitan ng Australian basketball team noong July 2.

Bagaman at nirerespeto ni Reyes ang desisyo, hindi naman nito matanggap na pagbintangan siyang nag-udyok sa kaniyang mga manlalaro na magsimula ng kaguluhan.

Sinabi pa ni Reyes na sa 20 taon niyang pagiging head coach ng PBA at pitong taon sa Gilas ay hindi ito kailanman nasangkot sa anumang gulo.


Matatandaan na pinagmulta si Reyes ng 10,000 Swiss Francs na may katumbas na P535,000 habang anim na game na suspension ang kay Calvin Abueva na sinusundan naman nina Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon na may tiglilima.
Three-game suspension kina Andray Blatche, Terrence Romeo, Troy Rosario at Jayson Castro kung saan tig-isang game ang ipinataw kay Matthew Wright at Japeth Aguilar.

Facebook Comments