FIBA | Gilas, panalo kontra Qatar

Tagumpay na nalusutan ng Team Pilipinas ang depensa ng Qatar para sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nagtapos ang close-door game ng Team Pilipinas at Qatar sa score na 92-81.

Nanguna sa laro sina Japeth Aguilar at Alex Cabagnot na kapwa nakapagtala ng 16 points.


Nag-ambag naman ng 13 points si Stanley Pringle, 11 points si Beau Belga, 8 points kay Paul Lee habang mayroong 6 points si Matthew Wright at 5 points si Marcio Lassiter.

Hawak na ng Team Pilipinas ang record na limang panalo at tatlong talo habang ang Qatar ay mayroong dalawang talo at anim na panalo.

Nasa pangatlong puwesto ang Team Pilipinas sa group F.

Sunod namang makakaharap ng Pilipinas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at Iran sa Disyembre 3 na kapwa gaganapin sa bansa.

Facebook Comments