FIBA | Gilas Pilipinas, walang babaguhing diskarte sa laro mamaya kontra Australia Boomers

FIBA – Inaabangan na ang paghaharap ng Gilas Pilipinas at Australia boomers sa second round ng FIBA World Cup Qualifiers.

Gaganapin ang laban mamayang alas 4:30 ng hapon (oras dito sa Pilipinas) sa Margaret Court Arena Sa Melbourne, Australia.

Ayon kay Gilas Coach Chot Reyes – wala silang babaguhing diskarte sa laro pero tiniyak na tatapatan ang laki, bilis at shooting ability ng boomers.


Aminado naman ang Boomers na kahit matatangkad ang kanilang mga player, Pilipinas ang isa sa itinuturing nilang pinakamatinding kalaban sa group B.

Nasa top spot ng FIBA Asia ang Australia habang pang-lima ang Pilipinas.

Facebook Comments