FIBA | Goulding – hihirit ng legal na hakbang sa ibinabang sanction sa kanya ng Fiba

Posibleng humirit ng legal na hakbang ang kampo ni Australian Cager Chris Goulding sa ibinabang sanction ng Fiba sa Gilas Pilipinas at sa kanilang national team.

Si Goulding ay pinatawan ng Fiba ng one-game suspension dahil sa naging partisipasyon niya sa rambol ng Gilas at Boomers.

Tinawag itong “disgrace” ng agent ni Goulding na si Daniel Moldovan dahil hindi naman daw lumahok ang basketbolista sa gulo.


Binatikos din niya ang three-game suspension na ibinigay kay Gilas Assistant Coach Jong Uichico na tinawag naman niyang isang “napakalaking kalokohan”.

Matatandaang si Goulding ang dinaganan ng mga players at team officials na kinabibilangan nina Allein Maliksi at Uichico.

Facebook Comments