NALAMPASAN | Kiana Valenciano – ibinahagi kung paano gumaling sa depression at anxiety

Manila, Philippines – Ibinahagi ngayon ng 25-year old singer at anak ni Gary Valenciano na si Kiana kung paano niya nalampasan ang sakit na depression at anxiety.

Taong 2016 nang magkaroon siya ng depression at umabot sa puntong hindi raw niya namamalayang pisikal na niyan sinasaktan ang kanyang sarili.

Nalaman na lang daw niya ito nang isang kaibigan ang nagsabing may mga gasgas at peklat niya sa kanyang batok.


Pero matapos ang dalawang taon, nalampasan niya ang kanyang sakit sa tulong ng Diyos, pamilya, mga kaibigan at ng boyfriend niyang si Sam Conception.

Kasabay nito, pinayuhan ni kiana ang kanyang mga followers sa instagram na nakararanas ng depresyon na huwag matakot na papasukin sa buhay ang mga taong nagmamahal sa kanila.

Facebook Comments