Manila, Philippines – Out muna si Jayson Castro sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Australia sa second leg ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay head coach Chot Reyes, nagpapagaling pa si Castro mula sa injury.
Dahil dito, pangungunahan muna nina Jun Mar Fajardo at Andray Blatche ang kampanya ng Gilas bukas, February 22.
Kasali rin sa 12-man national pool sina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Matthew Wright, Allein Maliksi, Calvin Abueva, Gabe Norwood, Carl Bryan Cruz, Japeth Aguilar at Abu Tratter.
Tabla sa top spot ng Group B ang Pilipinas at Australia matapos nilang ilampaso ang Chinese Taipei at Japan Sa first leg ng torneyo.
Facebook Comments