LIVING DOLL | Kilalanin ang real-life Barbie ng Czech Republic

Prague, Czech Republic – Kilala ngayon sa tawag na “living doll” ang 18-anyos na babae mula Prague, Czech Republic.

Ito ay dahil kamukhang-kamukha niya ang American Fashion Doll na si Barbie mula ulo hanggang paa!

Kwento ni Gabriela Jirackova – 16 years old pa lang siya nang magsimula ang obsession niya sa mga barbie.


Simula noon, pinangarap na niyang maging real-life Barbie at halos maubos ang P73,000 monthly allowance na ipinapadala sa kanya ng kanyang mga magulang dahil sa pagpapa-plastic surgery niya.

Pati buhok, mata, pilik-mata, labi, dibdib at sexy-figure ni Barbie ginaya rin niya.

At kapag na-perfect na raw niya ang itsura ni Gabriela, sunod niyang target na manirahan sa Los Angeles at maging sikat sa kanyang Barbie image.

Facebook Comments