![KAI-SOTTO](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/11/KAI-SOTTO.jpg?resize=696%2C391&ssl=1)
Masusubukan na ang mga young blood na sina Kai Sotto at Ricci Rivero sa magiging tune-up game ng Team Pilipinas kontra Jordan.
Mismong si Coach Yeng na ang nagsabing paglalaruin niya sina Sotto at Rivero ang kasama sa 13-man line-up kung saan inaasahan niya na magle-level up ang mga laro nito.
Ikinatuwa naman ni Sotto ang pagkakasama sa kaniya sa tune-up game at gagawin daw niya ang lahat para sa national squad.
Ang nasabing tune-up game kontra Jordan ay bahagi ng preparasyon ng Team Pilipinas sa Fifth Window 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Facebook Comments