TINIYAK | Brexit deal, ipaglalaban ni British PM Theresa May

Tiniyak ni United Kingdom Prime Minister Theresa May na ipaglababan nito ang Brexit deal sa European Union (EU).

Ito ay matapos magbitiw ang kanyang Brexit secretary at iba pang ministro na naglagay sa kanya sa alanganing posisyon.

Ayon kay May – handa siyang lumaban sa sinumang humamon sa kanya.


Gayumpanan, nagpahayag ng alinlangan ang ilan mula sa British Government at opposition lawmakers na ang Brexit deal ay hindi makalusot sa parliament.

Nangangamba pa ang mga ito lalo kapag kumalas ang Britain sa EU na walang safety net.

Facebook Comments