FIBA | PBA handang magpahiram ng ilang manlalaro kapalit ng 10 Gilas players na sinuspinde ng FIBA

Manila, Philippines – Handa ang PBA na magpahiram ng mga players para sa national team, matapos na ipatawa ng FIBA ang suspensiyon sa sampung Gilas players na nasangkot sa rambol kontra Australia noong Hulyo 2.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, may mga players ang Gilas mula sa 12 member teams ng liga na puwedeng kunin para sa mga susunod na laro ng FIBA World Cup Asian Qualifiers maging sa Asian games sa Agosto.

Dahil dito, puwedeng kunin ng national team ang serbisyo nina Greg Slaughter, Marcio Lassiter, Poy Erram, Raymund Almazan, Arwind Santos, at iba pa sa pagsisimula ng next round ng qualifier sa Setyembre.


Pero ayon kay Marcial, nakasalalay pa rin daw sa mga players kung nais nilang maging bahagi ng Philippine squad.

Sa nasabing sanction ng basketball governing body, natanggap ni Calvin Abueva ang pinakamahabang suspensyon na aabot sa anim na laro, na sinusundan naman nina Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz, at Jio Jalalon na may tiglilima.

May three-game suspension naman sina Andray Blatche, Terrence Romeo, Troy Rosario at Jayson Castro; habang sina Matthew Wright at Japeth Aguilar ay may tig-isa.

Facebook Comments