Selena Gomez, marami daw natutunan matapos makipaghiwalay sa ex-boyfriend na si Justin Bieber

Hollywood – Marami daw natutunan ngayon ang singer na si Selena Gomez matapos ang hiwalayan nila ni Justin Bieber.

Matatandaan na on-and-off ang naging relasyon ng dalawa hanggang magdesisyon sila na tapusin na ito.

Dahil dito, hangad ngayon ni Selena na makatagpo ng isang lalaki na malayo ang ugali, pamumuhay at nakagawian tulad ng takbo ng buhay ni Bieber.


Bagaman at hindi naman nagmamadali na magkaroon muli ng karelasyon, gusto sana ni Selena na ang susunod na lalaki ay matalino, masayahin at cute.

Facebook Comments