FIBA | Team Pilipinas, hindi na pwedeng matalo

Hindi na pwedeng matalo pa ang Team Pilipinas sa susunod na Asian Qualifiers kung nais nilang makapasok sa FIBA World Cup.

Ito ay matapos silang matalo sa Iran sa score na 78-70 kung saan nasayang 19-points ni Jayson Castro.

Kasalukuyang nasa ika-apat na pwesto sa group-F ang national team na may 5-5 win/loss record kaya at kailangan nilang maipanalo ang huling dalawang laro sa qualifiers.


Makakaharap ng Team Pilipinas ang Qatar sa February 21, 2019 na susundan ng Kazakhstan sa February 24, 2019.

Facebook Comments