FIBA World Cup organizers, bumilib din sa Gilas Pilipinas game versus Lebanon; nagawang 3-points ng mga Pinoy, record din sa Asian Qualifiers

Bumilib din ang FIBA World Cup organizers sa ipinakitang performance nitong nakalipas na Biyernes ng gabi ng Gilas Pilipinas matapos na masilat ang powerhouse team na Lebanon sa huli at 6th window ng Asian Qualifiers.

Puring puri ng FIBA ang debut performance ng bagong Filipino naturalized player na si Justine Brownlee, gayundin ang all-around performance ni Jamie Malonzo ng Ginebra at ang 18-anyos na si Mason Amos dahil sa walang mintis na mga tira.

Liban nito, nagtala rin daw ang mga Pinoy ng record upang pantayan ang dami ng 3-point shots na 17 sa ginaganap ngayong Asian Qualifiers.


Ang huling game ng Gilas ay bukas ng Lunes kontra naman sa national team ng Jordan doon pa rin sa Philippine Arena.

Wala na ring bearing ang mga laro dahil pasok na ang Pilipinas, Lebanon at Jordan sa gaganaping Basketball World Cup sa darating na buwan ng Agosto kung saan isa nga sa tatlong bansa ang Pilipinas na host.

Facebook Comments