FICTAP TV cables, tatanggalin ngayong araw sa kanilang program menu ang DZMM Radio TV broadcast at ibang ABS-CBN shows

Inanunsyo ng isang grupo ng mga cable TV operator na simula sa araw na ito, June 1,2020, tatanggalin na nila sa kanilang mga program menu ang DZMM Radio TV broadcast.

Isusunod din nila na tatanggalin ang walo pang ABS-CBN shows sa susunod na mga araw.

Ito ang ipinahayag ni Estelita Tamano, ang National Chairperson ng Federation of International Cable TV Associations of the Philippines (FICTAP).


Nauna nang nagsumite ng liham ang FICTAP sa House Committee on Legislative Franchise para idetalye ang mga violation ng network sa pag-operate ng TV Plus digital TV box service.

Reklamo ng grupo, walang kaukulang permit ang TV Plus service, pero bitbit nito ang labing-isang (11) free exclusive channels, kabilang ang dalawang channels na panooran ng pelikula.

Nagdudulot umano ito ng hindi pantay na kumpetisyon sa mga cable operator.

Ang FICTAP ay mayroong mahigit 600 na cable TV operators a buong bansa.

Facebook Comments