Suspendido muna ang lahat ng naka-pending na Letters of Authority o Mission Orders ng Bureau of Internal Revenue (BIR) until further noticed.
Sa isang memorandum na pirmado ni BIR Commissioner Caesar Dulay, nakasaad na suspendido muna lahat ng field auditing at iba pang operations ng ahensya na may kaugnayan sa examinations at verifications ng taxpayers’ books of account, records, at iba pang transaksyon.
Dahil dito, hindi muna pwedeng magsagawa ng imbestigasyon ang BIR field personnels tungkol sa mga internal revenue tax liabilities.
Maliban na lang kung ito ay may kaugnayan sa pagproseso o verification ng estate tax returns, donor’s tax returns, capital gains tax returns at withholding tax returns kaugnay sa pagbebenta ng real properties o shares ng stocks.
O di kaya naman ay auditing ng National Government Agencies (NGAs), Local Government Units (LGU) at Government Owned and Controlled Corporations.
Nilinaw naman sa memorandum ni BIR Commissioner Dulay na pwede paring magbayad ng kanilang tax deficiency ang isang tax payer na hindi na kailangang humingi ng authority mula sa BIR.