Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapabalik sa mother unit ng
field officer ng DOLE sa Quezon City.
Kasunod ito ng nabunyag na kulang-kulang na ayudang pinamamahagi sa beneficiaries sa lungsod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged and Displaced Workers o TUPAD Program.
Bukod dito, nabunyag din ang pagkakaroon ng ghost beneficiaries.
Kinilala ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang ni-recall na si Atty. Joel P. Petaca ng DOLE-National Capital Region Office.
Sinabi ni Bello na halos tapos na ang imbestigasyon ng DOLE pero hinihintay rin nila na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Oras aniyang makumpleto na ang reports ay agad silang magsasampa ng kaso.
Sa ilalim ng programa, ang tinukoy na TUPAD beneficiaries ay ang mga indibidwal mula sa vulnerable at marginalized sector na naapektuhan ng pandemya.