FIFA | Belgium tinalo ang England sa World Cup

Russia – Umiskor si Adnan Janusaj sa 51st minute para ibigay sa Belgium ang 1-0 panalo kontra England sa nagaganap na 2018 World Cup sa Russia.

Ito ang unang panalo ng Belgium sa England sa World Cup mula pa noong 1936.

Dahil sa panalo, top honors ang Belgium sa Group G at makakaharap nila sa knockout stage ang Blue Samurais ng Japan.


Kahit natalo pasok pa rin sa round of 16 ang England.

Makakaharap ng Three Lions sa knockout stage ang Sweden o Switzerland depende na rin sa magiging resulta ng kanilang final seeding sa kanilang grupo.

Facebook Comments