FIFA | Japan, pasok sa round of 16 ng 2018 FIFA World Cup kahit natalo sa Poland

Russia – Pasok na sa round of 16 ng 2018 FIFA World Cup ang Japan kahit pa natalo sila sa Poland sa score na 1-0.

Ito ay matapos na matalo din ang football team ng Senegal sa Columbia sa score na 1-0 kaya at kapwa sila pumangalawa sa team standings ng group-H na may 4-points.

Nabatid na ipinatupad ng FIFA ang kanilang “fair play rule” kung saan pinaboran ang Japan makaraang makakuha ng apat na yellow cards habang anim na yellow cards naman sa Senegal.


Makakaharap naman ng Japan sa susunod na round ang Belgium na gaganapin sa July 2.

Facebook Comments