PBA | Christian Standhardinger, itinanggi ang balitang ililipat na siya sa ibang koponan

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni San Miguel Rookei Christian Standhardinger ang lumabas na balita na ililipat na siya ng ibang team.

Ayon sa Fil-German na number one pick noong 2017 rookie draft, walang katotohanan ang nasabing balita na ipagpapalit daw siya ng Beermen sa sister company nila na Magnolia Hotshots.

Hindi din daw totoo ang balitang makikipag-one on one din ng trade ang SMB sa Alaska Aces para makuha nila si Calvin Abueva.


Sa huli sinabi ni Standhardinger na malaki pa din ang tiwala niya sa Beermen na mananatili ito sa kanilang koponan kahit na hindi masiyadong nagagamit sa line-up dahil sa knee injury.

Facebook Comments