Fighting Senator Manny Pacquiao, iaalay sa mga biktima ng Marawi seige ang laban niya sa July 2

Manila, Philippines – Iaalay ni Senator Manny Pacquiao ang darating niyang laban sa July 2 kontra kay Jeff Horn sa mga biktima ng kaguluhan lalo na sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Pacquiao kung saan para rin aniya ito sa mga nasalanta ng landslide, pagbaha at iba pang mga kalamidad.

Gayunman, hindi tiniyak ng fighting senator kung bibisitahin ang mga residente sa Marawi City kahit nakapagpadala na kaagad ng tulong sa unang linggo pa lamang nang ipinairal ang martial law sa Mindanao.


Samantala sa isinagawang presscon sa kanyang bahay, muling natanong si Pacman ang Pinoy ring icon kung mayroong mangyayaring knockout sa laban.

Tugon lamang nito na “mas mabuti” kung mas maaga na matatapos ang laban sa Australian boxer.

Facebook Comments