“FIGURE OF SPEECH” | Pahayag ni PRRD ukol sa mga obispo, “dramatic effect” lamang sa kanyang talumpati – ayon sa Malacañan

Manila, Philippines – “Figure of Speech” lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag nito na dapat patayin ang mga obispo dahil wala naman daw silang silbi at puro banat lang sa gobyerno.

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – minsan talaga ay gumamit ang Pangulo ng mga figure of speech para magkaroon ng dramatic effect ang kanyang talumpati pero hindi naman ito dapat tanggapin nang literal.

Aniya, may pinaghuhugutan naman ang pagtawag ni Pangulong Duterte na hipokrito ang ilan sa mga pari dahil marami sa mga ito ang hindi sumusunod sa kanilang itinuturo.


Kabilang na aniya rito ang konsepto ng hindi pag-aasawa ng mga pari at pagkakaroon ng sexual relation

Isa pang basehan dito ang mismong naging karanasan ng noon Pangulo.

Samantala, tumanggi nang mag-komento ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa mga banat ni Pangulong Duterte para hindi na lumaki ang isyu.

Facebook Comments