Ilang showbiz personalities, ikinalungkot ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN

154

Ilang showbiz personalities ang nalungkot at naghayag ng kanilang saloobin matapos ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ay matapos magpasya ang House Committee on Legislative Franchises na ibasura ang aplikasyon para sa prangkisa ng naturang network.


Matatandaan na ilang mga artista ang nagsama-sama para suportahan ang ABS-CBN kabilang na sina Angel Locsin, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Karla Estrada, Nikki Valdez at iba pang Kapamilya artist sa labas ng kanilang network sa Mother Ignacia, Quezon City.

Marami ang nalungkot dahil mahalaga sa mga manggagawa ng naturang network ang kanilang trabaho.

Sa kabila nito ay iginagalang at patuloy pa ring umaasa ang ABS-CBN na mabibigyan sila ng pagkakataong muling makabalik sa himpapawid.

Facebook Comments