Filing at pagbabayad ng AITR, pwede na kahit saan payment hub hanggang April 17

Maaari nang mag-file at magbayad ang lahat ng taxpayers ng kanilang 2022 Annual Income Tax Return (AITR) sa alinmang hub nationwide.

Ito ang inanunsyo ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., upang higit na pamadali at mapagaan sa mga taxpayers ang pagbabayad ng kanilang obligasyon sa pagbubuwis.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 32-2023, ang isang taxpayer ay maaari nang mag-file ng kanilang 2022 AITR at bayaran ang kanilang kaukulang tax dues kahit saan payent hub bago o sa mismong April 17, 2023 deadline ng walang penalty para sa wrong venue filing.


Ang hakbang ay bahagi ng agenda ng pamahalaan na bigyan ng mahusay na serbisyo ang mga taxpayers.

Pinaalalahaan din nito ang publiko na huwag gagamit ng “Ghost Receipts” sa kanilang filing.

Ang sinuman anyang Certified Public Accountants (CPA) na may kinalaman sa ghost receipts ay tatanggalan ng lisensiya at parurusahang makulong.

Facebook Comments