Pulis, natagpuang patay sa inuupahang apartment

Patay na nang matagpuan ang isang babaeng pulis sa loob ng kanyang inuupahang apartment, Linggo ng gabi sa Naga City, Camarines Sur.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Krame, nakahiga sa kanyang kama at mayroong isang tama ng bala sa noo nang matagpuan ang biktima na kinilalang si “Patrolman Cha”, 26 years old, nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit ng Naga City Police Office.

Ang biktima ay nangungupahan sa isang apartment sa Magsaysay Avenue, Barangay Concepcion, Pequeña, Naga City.


Sa paunang imbestigasyon, nakitang hawak nito sa kanang kamay ang isang baril.

Nauna rito, hindi pumasok ang biktima noong Linggo at hindi rin ito makontak ng kanyang mga kabaro kaya nagdesisyon silang puntahan na lamang ito sa kanyang apartment.

Sa ngayon, inaalam na ng Naga City Police Office kung nagpatiwakal ang biktima o mayroong foul play sa insidente.

Facebook Comments