FILING NG COC SA DAGUPAN CITY, PANGKALAHATANG NAGING MAPAYAPA AYON SA COMELEC DAGUPAN

Pangkalahatang naging mapayapa umano ang naging filing ng certificate of candidacy o COC ng mga aspirants sa Dagupan City para sa darating na Barangay Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa buwan ng Oktubre.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Atty. Michael Frank Sarmiento, ang Dagupan City Election Supervisor, bagamat hindi naman talaga nagtatakda ng schedule ang bawat barangay ay napanatili ang kaayusan at kapayapaan ng nangyaring COC filing katuwang ang hanay ng kapulisan.
Sa huling araw din umano ay dinagsa pa rin ito ngunit hindi maramihan kumpara ng mga naunang araw ng pag file.

Samantala, sa pinakahuling datos ng tanggapan, nasa higit isang libo at anim na raan ang naitalang bilang mga Barangay at SK Aspirants at nagpapatuloy pa ang kabuuang bilang nito pagkatapos makumpleto ang mga ito sa proseso.
Matatandaan naman na nasa dalawang libo nauna nang inaasahang bilang ng mga kakandidato para sa Barangay at SK Elections. |ifmnews
Facebook Comments