ISANDAANG SCHOLARS SA BAYAN BINMALEY, NATANGGAP NA ANG SCHOLARSHIP GRANT MULA SA LGU

Matagumpay nang natanggap ng mga iskolar sa bayan ng Binmaley ang Scholarship Assistance Program mula sa LGU.
Kabuuang isandaang mga iskolar ang tumanggap ng Binmaley Scholarship Assistance Program na nagkakahalaga ng nasa Php 5,000 kung saan ito ang pinakaunang scholarship grant sa bayan.
Pinangunahan ang nasabing payout ng scholarship ng mismong alkalde katuwang ang ilang kawani ng LGU na ginanap sa Binmaley Manpower and Development Training Center.

Layon ng naturang scholarship grant ay upang matulungan ang mga kwalipikadong iskolar na magkaroon ng karagdagang pambayad sa kanilang matrikula dahil layon din ng LGU na masuportahan ang mga ito sa kanilang pag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments