Ipinahinto ng Commission on Elections (COMELEC) ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa tatlong distrito ng Maynila para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) ngayong hapon.
Ayon kay COMELEC Election Assistant II ng National Capital Region (NCR) na si Marijune Uriarte, mag-aalas-2:00 ng hapon nang magdeklara ng cut-off ng paghahain ng COC ang COMELEC sa SM Manila, dahil sa pagdagsa ng mga nais maghain ng kandidatura para sa Districts 1, 2 at 4 (sa bahagi ng Tondo at Sampaloc).
Sa panayam din kay Election Officer ng District 2 na si Ernesto Verdejo, 262 pa ang kasalukuyang nakapila at tinatantsa pa raw nila kung kakayanin pa mag-accommodate ng hanggang mamayang alas-5:00 ng hapon.
Gayunpaman, nilinaw naman ng Manila COMELEC na i-a-accommodate pa rin ng COMELEC ang mga pumila kaninang umaga ngunit hindi na sila tatanggap ng mga maghahain simula ngayong hapon.