Filipina biker na nabundol ng kotse sa Bahrain, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na ng Pilipinas ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nabundol ng kotse sa Bahrain habang nagbibisikleta, tatlong buwan na ang nakakalipas.

Siya ay sumailalim sa therapy kaya’t mabilis itong nakarekober matapos magtamo ng multiple fractures, chest at head injuries, bukod sa pansamantalang pagkawala ng kaniyang memorya.

Ang nasabing OFW ay sinamahan ng kapwa niya Pinay worker sa flight pabalik ng Pilipinas.


Agad namang siyang inihatid sa kaniyang tahanan sa Agoncillo, Batangas.

Facebook Comments