Filipina boxer na si Nesthy Petecio, abot-kamay na ang ikalawang gintong medalya ng bansa matapos makapasok sa Women’s Featherweight Finals sa Tokyo Olympics

122

Pasok na sa Women’s Featherweight Finals sa Tokyo Olympics ang Filipina boxer na si Nesthy Petecio.

Ito’y matapos masungkit ni Nesthy ang 4-1 split decision kontra sa Italyanang si Irma Testa sa semifinal round.

Ipinakita ni Nesthy ang kaniyang bilis at galing hanggang sa huling round.


Sa ngayon, sigurado na si Nesthy ng silver-medal finish sa 54-57 kilogram division.

Ibibigay naman ng Filipina boxer ang all-out performance sa finals sa Agosto 3 upang masungkit ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas.

Makakaharap ni Nesthy sa huling laban ang atleta mula sa Japan na si Sena Irie.



Facebook Comments