John Lloyd Cruz, inamin na hindi pa siya handa sa pagiging ama noon

68

“Akala ko ready na ako, hindi pa pala”

Ito ang pag-amin ni John Lloyd Cruz sa podcast interview ni Karen Davila sa aktor.

Ayon kay John Lloyd, hindi niya plinano ang pagiging tatay at hindi pa siya handa maging ama nang dumating sa buhay niya ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.


Say pa ni Lloydie, hindi naman siya natakot sa pagiging ama at alam niya ang pinasok na responsibilidad.

Aniya, ang anak niya na si Elias ang pinakaimportante sa buhay niya ngayon.

Dagdag pa ng aktor, sobrang dami niyang natutunan kay Elias bilang isang haligi ng tahanan.



Facebook Comments