Ginawaran ng knighthood ng The Netherlands ang isang Filipina scientist bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa agrikultura at dedikasyon sa pagsusulong ng Dutch-Filipino relations.
Si Dr. Mary Ann Pelagio Sayoc ay nakatanggap ng knighthood sa ilalim ng Order of Orange-Nassau at ipinagkaloob ito sa kanya ni Ambassador Saskia de Lang para sa kanyang mga hakbang tungkol sa pagpapaunlad ng Philippine Agcriculture at pagpapalakas ng productivity ng mga magsasaka.
Nagagalak si Majesty King Willem Alexander na ibigay ang parangal na ito sa nangungunang personalidad ng Dutch Filipino community.
Si Sayoc ang public affairs head ng East-West Seed Group, ang dominanteng market leader ng vegetable seeds sa pilipinas.
Lumawak pa ang operasyon ng kumpanya sa Asia at Africa, na unang naitatag noong 1982.
Ang Order of Orange-Nassau ay ipinagkakaloob sa mga indibiduwal para sa kanilang long-standing meritorious service.