Filipino at Panitikan subjects, ipinababalik sa mga aralin sa kolehiyo

Manila, Philippines – Ipinasasama ni ACT Teachers Party List Rep. Antonio Tinio sa Commission on Higher Education (CHED) ang Filipino at Panitikan subjects sa higher education.

Ayon kay Tinio, kung hindi ito gagawin ng CHED ay nilalabag nito ang 2015 Supreme Court (SC) Temporary Restraining Order (TRO) at puwede silang ma-contempt.

Nagpalabas noong 2015 ang Korte Suprema ng TRO para pigilan ang CHED sa pagpapatupad ng CMO 20, series of 2013, na nagpapatupad ng bagong general education (GE) curriculum kung saan wala na ang Filipino at Panitikan.


Ngunit, itinuloy pa rin CHED ang CMO 20 ng hindi isinama ang mandatong 6-9 units ng Filipino subjects at 3-6 units ng Panitikan subjects.

Kung magpapatuloy ito, sinabi ni Tinio na hindi lamang contempt ang kakaharapin ng CHED sa korte pati na rin mga protesta.

Facebook Comments