PSG, laging handa na protektahan ang Pangulo ng bansa

134

Manila, Philippines -Tiniyak ni Martial Law Spokesman for Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines Brigadier General Gilbert Gapay na matindi ang ginagawang pagbabantay ng Presidential Security Group o PSG kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Gapay sa harap na rin ng banta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF kay Pangulong Duterte.


Ayon sa opisyal, matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte na marami siyang kaaway at dahil ito sa malakas na political will ng Pangulo.

Tikyak naman aniya na nagsasagawa ng nararapat na security measures at assessment ang PSG sa pagtiyak ng kaligtasan ng Pangulo.

Ang pagtiyak aniya ng PSF sa Seguridad ng Pangulo ay depende sa sitwasyon at kung nasaan ang Pangulo.

Facebook Comments