Filipino-Canadian, arestado sa NAIA dahil sa bomb joke

Arestado ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa NAIA Terminal 1 ang 65 taong gulang na Filipino-Canadian dahil sa bomb joke.

Ini-report ng Philippine Airlines (PAL) staff sa mga awtoridad ang suspek na si Alfonso Yumul Jr., matapos na sabihin nito na “granada lang naman laman niyan” habang tinitimbang ang kanyang luggage.

Agad ding ininspeksyon ng K9 unit ang bagahe ni Yumul kung saan negatibo naman ito sa bomba.


Ang suspek ay agad na ikinulong at kakasuhan siya ng paglabag sa Presidential Decree 1727.

Nagpaalala naman sa publiko si PBGen. Christopher Abrahano, Director ng PNP AVSEGROUP, na iwasan ang bomb joke dahil ito ay may katapat na parusa sa ilalim ng batas.

Facebook Comments