Filipino caregivers, gusto ng Japan

Nangunguna pa rin ang mga Pilipino sa listahan ng Japan na nais nilang kunin para maging care giver.

Ayon kay Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, mas gusto ng mga Japanese ang karino ng mga Pinoy sa pag-aalaga sa mga nakakatanda.

Aniya, kung ilalarawan ang pag-aalaga ng mga Pinoy caregiver, outstanding ito at malaki ang nagagawa para mas mapabuti ang pakiramdam ng kanilang inaalagaan.


Sa ngayon mga nurse at care givers pa rin ang trabahong may pinakamataas na demand para sa mga Pinoy sa Japan.

Habang nangangailangan rin ang Japan ng serbisyo ng mga Pinoy bilang manufacturer kung saan isa sa mga requirement ay maipasa ang language examination.

Facebook Comments