Gov’t positions, hindi dapat ginagawang ‘for sale’

Manila, Philippines – Umaasa si Senador at incoming Antique Congresswoman Loren Legarda na hind totoo ang umano’y suhulan sa Kamara para sa house speakership.

Ayon kay Legarda, ang bawat posisyon sa gobyerno maging sa lehislatura ay hindi dapat gawing “for sale”.

Kasabay nito, nilinaw ni Legarda na wala siyang interes sa house speakership.


Gayunman, nagpahayag ito ng kahandaan na tuparin ang gampanin sa oras na ipagkatiwala ito sa kaniya ng mga kasamahang mambabatas.

Facebook Comments