Inabisuhan ng Philippine Embassy sa Washington DC ang Filipino communities sa Amerika na mag-ingat sa malawakang winter storm.
Pinayuhan din ng embahada ang mga Pinoy sa US na i-monitor ang panahon at maghanda sa epekto nito.
Batay kasi sa babala ng National Weather Service (NWS), halos kalahati ng populasyon ng Amerika ang maaapektuhan ng massive winter storm.
Bunga nito, asahan na anila ang pagbuhos ng snow kasabay ng malakas na hangin at sobrang lamig na temperatura.
Magkakaroon din ng zero visibility, kaya pinapayuhan ang lahat ng mamamayan sa US na iwasang lumabas ng mga tahanan.
Facebook Comments