Pagmamalasakit sa kapwa at mas matapang na pagbabantay sa abuso, mensahe ng CHR ngayong Pasko

Nagpahatid ng pagbati sa sambayanang Pilipino ang Commission on Human Rights (CHR) sa selebrasyon ng Pasko.

Nais ng CHR na ang diwa ng pasko ay maging oportunidad upang magpanibago ng masidhing pagnanais na ipagtanggol ang dignidad at karapatan ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ng CHR na mahalaga pa rin ang kolektibong pagpapahayag ng paninindigan sa gitna ng mga hamon sa gawaing pagbabantay sa karapatang-pantao.


Dapat umanong manatiling nag-aalab ang tapang para ipagtanggol ito.

Hamon ng komisyon sa sambayanan ay manatiling mapagbantay sa laban sa anumang pang-aabuso at pag-alabin ang diwa ng mapagmalasakit sa kapwa.

Facebook Comments