Qatar – Nakatakdang pulungin ng embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar ang mga Filipino organization sa lugar para pag-usapan ang nagaganap na sitwasyon doon.
Ayon kay Consul General Roussel Reyes – matapos ang paglabas ng balitang pagtanggal ng ugnayan ng ilang mga bansa sa Qatar ay nag-isyu na sila ng advisory sa Filipino community para sa information dissemination.
Pero sa isang interview, kinalma ni Engr. Resie Fos, chairman ng United Filipino Overseas sa Qatar ang pangamba ng mga kaanak ng mga Pinoy sa nasabing bansa.
Ayon kay Fos – bagamat nagkaroon ng panic buying nitong mga nakalipas na araw, unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon.
Tiniyak din nito na walang Pinoy na natanggal sa trabaho o naapektuhan ng diplomatic crisis.
Nakahanda naman embahada para sa anumang tulong sa mga OFWs kapag lumala ang sitwasyon sa nasabing bansa.
DZXL558