Filipino debaters, wagi sa World Universities Debating Championship

Maituturing na victorious win ng Pilipinas ang sunod-sunod na panalo ng Filipino debaters sa prestihiyosong virtual World Universities Debating Championship (WUDC) sa South Korea.

Kabilang sa mga nanalo sina Dianne Ablay ng University of the Philippines-Tacloban na tinanghal na Public Speaking Grand Champion at si Hans Wong ng De La Salle University (DLSU) bilang Best Speaker sa English-as-a-second language (ESL) category.

Tampok din ang Masters Grand Champions na sina Charlette Inao at Verse Abellaneda mula sa University of the Philippines-Manila.


Pasok rin sa Top 10 ng Best Open Speakers category ang ilang debaters mula sa Ateneo de Manila University (ADMU) na sina Luigi Alcañeses, David Africa, Mikko Vitug, at Ignacio Villareal.

Huling nakapag-uwi ng panalo ang Pilipinas sa nasabing debate event noong 2016.

Facebook Comments