Hindi pinayagan ng Hong Kong Magistrate na makapagpiyansa ng 1,000 Hong Kong dollars ang Filipino domestic worker na nahaharap sa kasong infanticide.
Ayon sa korte, mabigat na kaso ang kinakaharap ng Overseas Filipino Workers (OFW) at may matibay na ebidensya laban sa kanya.
Naglatag sana ng mga sirkumtansya ang abogado ng Pinoy sakaling payagan itong makapagpiyansa.
Kabilang dito ang araw-araw na pagrereport sa pulisya at ang pagsusumite ng bagong address ng boarding house na kanyang lilipatan habang nakalaya.
Patuloy naman na tinututukan ng Konsulado ng Pilipinas ang kaso ng Filipino domestic worker.
Facebook Comments