Filipino-Japanese na gustong makita ang ama, dumulog sa social media

Images via Facebook/Namieh Oya

Nagbabakasali sa “power of social media”, idinaan ng isang netizen sa Facebook ang hiling nitong makita ang ama.

Sa Facebook post ni Namieh Oya, 27-anyos at 27 taon na ring ulila sa Japanese na ama, ikinuwento niya na bata pa lamang siya nang bumalik sa Japan ang ama, na hindi niya rin alam ang dahilan.

Bagaman kasal sa nanay niyang Filipina ang ama, hindi na ito bumalik at mula noon ay wala nang balita rito.


Nang isang taong gulang si Oya, sinubukan aniya ng nanay niya na pumunta sila sa Japan pero na-deny ang visa nila.

Kamakailan lang din ay muling sumubok ang mag-ina–pumunta sa Tokyo para hanapin ang ama, ngunit wala aniyang sumagot sa ni isang registered number ng mga kamag-anak nito.

Hindi rin sumusuko si Oya sa paghahanap sa pangalan ng ama sa Facebook, pero wala ang mukhang hinahanap niya.

Bagaman naibibigay ng ina ang mga kagustuhan niya, aniya nangungulila pa rin siya sa aruga ng isang ama.

Hiling ng netizen, makarating man lang ang mensahe niya ngayong paparating ang Fathers’ Day sa ama niyang si Hideo Oya (大矢秀男), sa Niigita Japan (新潟), ipinanganak noong Dec. 26, 1959.

Facebook Comments