Muling nasungkit ni Filipino pole-vaulter EJ Obiena ang gold medal sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.
Nagtakda si Obiena ng panibagong season best na 5.92 meter sa kanyang unang paglahok sa kumpetisyon mula nang makumpleto ang quarantine dahil sa COVID-19.
Nalampasan ng Filipino pole vaulter ang kanyang dating personal best na 5.85 meters sa isang kompetisyon sa Italy matapos manalo ng kanyang ikalawang ginto sa 31st Southeast Asian Games.
Matatandaang ilang araw bago ang kompetisyon, sinabi ni Obiena na kailangan niyang magpahinga mula sa pagsasanay dahil sa COVID-19 na naging dahilan din para hindi ito makalahok sa dalawang kompetisyon, partikular na ang Diamond League sa Oslo.
Facebook Comments