Outgoing DND Secretary Lorenzana, pinarangalan ng AFP

37

Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng isang testimonial parade si outgoing Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, ngayong araw sa Camp Aguinaldo.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang pagbibigay pugay kay Lorenzana dahil sa kanyang buong pagsuporta sa mga programa at proyekto ng AFP sa nakalipas na anim na taon niyang panunungkulan.

Kabilang dito ang pagsulong ng AFP modernization program, at pagsasanay ng mga tropa sa paggamit ng mga modernong kagamitan.


Kinilala rin ni Gen. Centino ang mahusay na pamumuno ni Lorenzana sa panahon ng Marawi Crisis at COVID-19 pandemic; at pagpapatupad ng mga programa tulad ng Barangay Development Program at Tatak ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad.

Nagpasalamat din si Gen. Centino sa suporta ni Lorenzana sa pagtaas ng sahod ng mga sundalo, at pagpapaganda ng kanilang mga pasilidad, na nagresulta sa mas malakas, mas produktibo, at mas-responsive na AFP.

Nagpasalamat naman si Lorenzana sa lahat ng kanyang nakasama at naka-trabaho mula sa panahon nang siya ay kadete sa Philippine Military Academy hanggang sa kasalukuyan, at sinabing naging exciting, challenging, at personally rewarding journey ang kanyang panahon sa militar at DND.



Facebook Comments